MMDA, sinuspinde ang pagbibigay ng exemptions sa number coding
Pansamatalang sinuspinde ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagbibigay ng mga exemptions sa ilalim ng unified vehicular volume reduction program (UVVRP) o ang number coding scheme habang kanilang pinag-aaralan ang mga polisiya nito.
Ayon kay MMDA General Manager Thomas Orbos, nakatanggap ang kanilang ahensya ng napakalaking bilang ng mga aplikasyon para sa number coding exemptions.
Dagdag pa ni Orbos, ang pagbibigay ng exemption mula sa UVVRP ay hindi mandatory pero kinakailangan dumaan sa evaluation at mga konsiderasyon sa ibat ibang humanitarian reason.
Nakasaad sa nasabing MMDA memorandum circular ay otomatikong exempted at hindi na kailangan ng MMDA exemption certificate sa ilalim ng ilang mga circumstance tulad ng ang mga sasakyang may lulan na mga taong kinakailangan ng agarang atensyong medikal at maging ang opisyal at marked media vehicles.
Sa ilalim ng UVVRP, ang mga sasakyang may plakang nagtatapos sa 1 at 2 ay bawal dumaan sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila tuwing Lunes habang tuwing Martes bawal ang mga plakang nagtatapos sa 3 at 4, tuwing Miyerkules ang mga may plakang nagtatapos sa 5 at 6, tuwing Huwebes naman ang may plakang nagtatapos sa 7 at 8 at tuwing Biyernes naman bawal ang mga sasakyang nagtatapos ang plaka sa numerong 9 at 0.
Wala namang ipinapatupad na number coding scheme tuwing Sabado, Linggo at tuwing regular Holidays.
Kaugnay nito sa pinakahuling resolusyon ng Metro Manila Council, ang policy-making body ng MMDA, ay suspendido ang 10:00 a.m. hanggang 3:00 p.m. na window hours hanggang January 31 habang pinalawig naman nito ang UVVRP sa lahat ng radial at circumferential roads sa Metro Manila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.