Bato: “Mabubuhay ba ang Koreano kung hindi ako manood ng concert?”

By Kabie Aenlle January 21, 2017 - 05:01 AM

dela-rosa21Bumwelta si Philippine National Police (PNP) chief Director Gen. Ronald “Bato” dela Rosa ang mga bumabatikos sa pagdalo niya sa concert ng sikat na singer na si Bryan Adams kamakailan, habang kasagsagan ng imbestigasyon sa kaso ng umano’y na-“Tokhang-for-ransom” na Koreanong negosyante.

Giit ni Dela Rosa, hindi rin naman ikaliligtas ng Koreanong si Jee Ick Joo sakaling hindi siya nanood ng concert, dahil matagal na itong patay.

“Matagal nang patay ang biktima noong nanood ako ng concert. Mabuhay ba ang Koreano kung hindi ako manood?” ani Dela Rosa.

Kamakailan kasi ay namataan si Dela Rosa na nasa front rows ng concert ni Bryan Adams sa Smart Araneta Coliseum.

Kahapon naman ay lumutang rin ang panawagan ni House Speaker Pantaleon Alvarez kay Dela Rosa na mag-resign na upang maisalba si Pangulong Rodrigo Duterte sa kahihiyan dahil sa naturang kaso.

Ayon naman kay Dela Rosa, handa siyang bumaba sa kaniyang pwesto, kung papayag si Pangulong Duterte.

Gayunman, iginiit ni Dela Rosa na ang mahalaga sa ngayon ay nalutas na ang kaso, natukoy na ang mga nasa likod ng krimen at hinahanap pa ang mga hindi pa nahuhuli.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.