Natabunan agad ng masamang balita ang nauna nang magandang balitang dala ng mga sundalo nang pakawalan ng Abu Sayyaf group ang kanilang bihag na dalawang Pilipino.
Pagkatapos kasi ng pagpapalaya sa dalawang Pilipino, iniulat naman ni Western Mindanao Command chief Maj. Gen. Carlito Galvez Jr. na tatlong Indonesians naman ang dinukot sa parehong araw sa Sulu.
Kabilang ang mga naturang Indonesians sa anim na crew ng Sandakan-registered na bangkang pangisda na unang naitalang nawawala matapos atakihin ng armadong grupo sa border ng Pilipinas at Malaysia.
Tinukoy ang tatlong binihag na sina Hamdan Bin Salim, Subandu Bin Sattu at Sudarling Samansung, base na rin sa listahang ibinigay ng Indonesian Police Attaché.
Ayon kay Galvez, ang mga na-rescue noong Huwebes ay sina Esteban Janamjam mula sa General Santos City, at Dulce Almers mula naman sa Apo Beach sa Sta. Cruz, Davao del Sur.
Nasagip ang mga ito sa Indanan, Sulu matapos ang dalawang buwang pagkakabihag, matapos silang dukutin sa Pangutaran Island sa Sulu.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.