WATCH: Pulis na pangunahing suspek sa pagdukot at pagpatay sa negosyanteng Korean, dinala na sa Camp Crame

By Jan Escosio January 20, 2017 - 07:35 PM

SPO3 Ricky Sta Isabel | Radyo Inquirer PhotoIsinilbi na ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Anti-Kidnapping Group ang warrant of arrest laban sa pulis na pangunahing suspek sa pagdukot at pagpatay sa Korean national na si Jee Ick Joo.

Ito ay matapos na ilabas ng Angeles City Regional Trial Court ang arrest warrant laban sa mga suspek sa kasong kidnapping for ransom with homicide.

Alas 3:00 pa lamang ng hapon dumating na sa NBI ang mga tauhan ng PNP-AKG, pero pasado alas 6:00 na ng gabi nang mailabas ng NBI si Sta. Isabel at maisakay sa convoy patungong Camp Crame.

Pansamantala, sasailalim muna sa kustodiya ng AKG si Sta. Isabel.

Ang grupo ni Sta. Isabel ang itinuturong nasa likod ng pagdukot at pagpatay kay Jee Ick-Joo noong October 18, 2016.

 


 

TAGS: Jee Ick Joo, NBI, PNP, SPO3 Ricky Sta. Isabel, Jee Ick Joo, NBI, PNP, SPO3 Ricky Sta. Isabel

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.