Sec. Dureza, ibabalik ang inaprubahan niya noong P1M food allowance para sa mga empleyado ng MEDCo

By Chona Yu January 20, 2017 - 03:21 PM

Dureza Statement on COA DecisionTiniyak ni Presidential Adviser on the Peace Process Sec. Jesus Dureza na ibabalik niya sa pamahalaan ang halos P1 milyon na pondo na inilaan sa staple food assistance and amelioration allowance para sa mga opisyal at empleyado ng dating Mindanao Economic Development Council o MEDCo noong siya pa ang chairman ng ahensya.

Ito ay matapos magpalabas ng final audit ang Commission on Audit (COA) at sinabing “disallowed payments” ang ginawa ni Dureza sa MEDCo noong 2001 hanggang 2004.

Ayon kay Dureza, agad niyang isasauli ang halaga oras na makauwi siya sa bansa pagkatapos ng ikatlong formal talks sa pagitan ng pamahalaan at CPP-NPA-NDF na ngayon ay ginaganap sa Rome Italy.

Sinabi ni Dureza na kukunin niya sa personal niyang pondo ang ibabalik na pera.

Ani kay Dureza, naibalik na nya noon ang bahaging napunta sa kanya habang ini-aapela ang unang desisyon ng COA noong nasa MEDCo pa sya.

Inako din ni Dureza ang buong responsibilidad kaya ang bahagi aniya ng pondo na napunta sa mga empleyado at opisyal ng MEDCo noon ay siya na ang magsasauli ngayon mula sa kanyang personal na pera.

 

 

TAGS: COA, Jesus Dureza, notice of disallowance, COA, Jesus Dureza, notice of disallowance

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.