Isa ang kumpirmadong nasawi sa sunog na tumagal lang ng halos isang oras sa Navotas City.
Ang hindi pa nakikilalang lalaking biktima ay natagpuang wala nang buhay sa loob ng banyo ng isa sa mga bahay na nasunog sa Bagong Bayan North.
Ayon kay Navotas City Fire Marshall Chief Insp. Eduardo Vispal , pinaniniwalaang sa bahay din ng biktima nag-umpisa ang apoy.
Nagsimula ang sunog alas 12:48 ng tanghali.
Mabilis na lumaki ang apoy at agad itinaas sa Task Force Alpha alas 12:56 ng tanghali.
Gayunman, naging maagap din ang mga bumbero at agad naideklarang under control ang sunog ala 1:38 ng hapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.