4 na kabataan patay sa pamamaril sa harap ng isang eskwelahan sa Laguna

By Erwin Aguilon January 20, 2017 - 08:26 AM

crime-scene-300x200Patay ang apat na kabataang lalaki habang isa pa ang kritikal ang kondisyon makaraang pagbabarilin sila sa harap ng Canlalay Elementary School sa Maribel Subdivision, Brgy. Canlalay, Biñan, Laguna.

Base sa inisyal na impormasyon mula kay Laguna Police spokesman Sr. Insp. Jerry Sanggalang, namatay habang ginagamot sa Biñan Hospital ang mga biktimang sina Arnel Barce, 17-anyos, estudyante; Darwin Villareal, 18-anyos, estudyante; Rico Laserna, 32-anyos, service crew at Mark Robin Ignacio, 27-anyos.

Ginagamot naman sa Perpetual Hospital si Ranel Barce, 18-anyos,estudyante.

Nabatid na nakatambay lamang ang mga biktima sa lugar nang dumating ang apat na suspek at pinagbabaril ang mga ito.

Sinasabing tatlo sa mga biktima ay kilalang nanghaharass ng mga dumaraan sa lugar lalo na sa gabi.

TAGS: Biñan Laguna, Shooting Incident, Biñan Laguna, Shooting Incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.