PAGASA, nagbabala ng flashfloods at landslides sa Eastern Visayas
Apektado pa rin ng tail-end ng cold front ang eastern section ng Visayas
Ayon sa PAGASA, makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang Eastern Visayas na maaring magdulot ng flashfloods at landslides.
Sa nalalabing bahagi naman ng Visayas at sa Mindanao ay mahina hanggang sa katamtaman na pag-ulan lamang ang mararanasan gayundin sa lalawigan ng Palawan.
Sinabi ng PAGASA na hanggang sa weekend makaapekto sa Visayas at Mindanao ang tail-end ng cold front.
Samantala, Northeast Monsoon naman ang naka-aapekto sa buong Luzon.
Dahil dito, ang Bicol Region at ang CALABARZON ay makararanas ng mahinang pag-ulan ngayong araw.
Isolated na pag-ulan naman ang mararanasan sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng Luzon.
Sa ngayon, wala pang nakikitang sama ng panahon ang PAGASA na papapalapit sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.