Naghahanap ngayon ang Social Security System (SSS) ng mga investment opportunities sa ibang bansa na paglalagakan nila ng P36 bilyong Investment Reserve Fund (IRF).
Ayon kay SSS president and CEO Emmanuel Dooc, ito ay bilang bahagi na rin ng kanilang pagtitiyak na tatagal ang pondo ng ahensya.
Aniya, maaring mag-invest ang SSS sa ibang bansa ng hanggang sa 7.5 percent o P36 bilyon ng IRF nito na nasa P480 bilyon na ang halaga sa ngayon.
Napag-alaman kasi aniya nila na maari naman palang mag-invest ang SSS sa ibang bansa, ngunit hindi nila ito ginagawa, kaya tinitingnan nila ngayon ang posibilidad na magawa ito.
Pinag-aaralan din ng SSS ngayon ang pag-diversify sa mga assets nila sa pamamagitan ng pag-iinvest ng hanggang sa 25 percent ownership sa maraming industriya.
Dagdag pa ni Dooc, nais nilang magkaroon ng win-win solution para sa mga stakeholders at nais nilang matiyak na hindi makokompromiso ang mga benepisyo.
Dahil dito, kailangan nilang patulyo na taasan ang kanilang investment income dahil ito ang nakakatulong na matustusan ang mga social security benefits.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.