Paghahanap sa MH370 flight, maari pang ipagpatuloy sa hinaharap-Australia
Inanunsyo ng pamahalaan ng Australia na hindi nila isinasantabi ang posibilidad na muling ipagpatuloy ang paghahanap sa nawawalang flight MH370 Malaysian Airlines passenger jet.
Ito’y matapos batikusin ng mga pamilya ng mga biktimang pasahero ang desisyon na suspindehin ang halos tatlong taong paghahanap sa eroplano.
Ang pagkawala ng Flight MH370 ay naging isa sa pinakamalaking aviation mysteries sa buong mundo, matapos mawala ang nasabing Boeing 777 plane noong 2014 papuntang Beijing mula sa Kuala Lumpur, Malaysia habang sakay nito ang mahigit dalawandaang pasahero.
Ayon kay Australian Transport Minister Darren Chester, hindi niya isinasantabi na maari pa nilang ituloy ang nasabing paghahanap.
Nagkakahalaga ng 150 million dollars ang nagastos na para sa paghahanap, at karamihan dito ay binayaran ng Malaysia.
Dalawang beses nang inextend ang paghahanap sa nawawalang eroplano, at tumanggi na ang Australia, China at Malaysia na ituloy ang paghahanap hangga’t wala silang nahahanap na bagong ebidensya tungkol sa huling kinaroroonan ng eroplano.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.