50 patay sa suicide bombing sa Mali

By Kabie Aenlle January 19, 2017 - 04:27 AM

 

mali bombingIsang suicide bomber na lulan ng sasakyang punung-puno ng pampasabog ang umatake sa isang kampo militar sa Mali kung saan hindi bababa sa 50 ang nasawi, habang mahigit 100 sundalo.

Wala namang agad na umako ng responsibilidad sa pag-atake pero pinaghihinalaang mga Islamic extremist groups ang nagsagawa nito, dahil kontra ang mga ito sa 2015 peace agreement na nag-buklod sa mga partido.

Naganap ang pag-atake Miyerkules ng umaga sa Joint Operational Mechanism base sa Gao city sa Mali, na tahanan sa mga sundalong Malian at daan-daang mga dating mandirigma na nakipag-ayos na sa pamahalaan.

Ayon sa ilang mga nakasaksi, pumunta ang sasakyang naglalaman ng mga pampasabog sa kampo dakong alas-9:00 ng umaga, na nataon pa sa pagpupulong ng mga fighters.

Ilang oras makalipas ang pagsabog, nakita pa rin sa pinangyarihan ng insidente ang mga lasug-lasog nang katawan ng mga biktima.

Naging pinakadelikadong peacekeeping mission na ngayon sa United Nations ang Mali, lalo’t noong nakaraang taon lang ay may 29 UN peacekeepers ang napatay sa isang pag-atakeng isinisisi sa mga jihadist armed groups.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.