Matataas na opisyal ng PNP, dawit sa kidnap-slay ng Koreanong negosyante

By Kabie Aenlle January 19, 2017 - 04:39 AM

 

Jee Ick-joo was allegedly abducted in October by a group that includes a policeman
Jee Ick-joo was allegedly abducted in October by a group that includes a policeman

Ibinunyag ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II na may ilang mga matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang dawit umano sa pag-dukot sa dating executive ng Hanjin shipping firm na si Jee Ick Joo.

Ayon kay Aguirre, tinukoy na ni SPO3 Ricky Sta. Isabel ang mga opisyal ng pulis na kasangkot sa pagdukot kay Jee noong October 18, 2016.

Bukod pa aniya ito sa walong kakuntsaba umano ni Sta. Isabel na nahaharap na rin sa kaso sa Department of Justice (DOJ).

Ani Aguirre, matataas na mga tao na nakapaligid sa PNP ang ibinunyag ni Sta. Isabel na posibleng sangkot sa krimeng ito.

Gayunman, hindi pa naidodokumento ang mga inilahad ni Sta. Isabel sa NBI, dahil nagkaroon pa ito ng hindi pagkakaintindihan sa kaniyang abogado.

Samantala, hindi naman na nagbigay ng iba pang detalye si Aguirre tungkol sa mga nasabing sangkot na opisyal ng pulis.

Sa ngayon ay nasa ilalim na ng kustodiya ng NBI si Sta. Isabel mula nang sumuko ito.

Hindi naman isinasantabi ni Aguirre ang posibilidad na mapasailalim ng witness protection program si Sta. Isabel dahil marami itong nalalaman sa kaso.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.