Presyo ng mga sasakyan, lolobo sa panukalang Tax Reform package ng Duterte admin

By Isa Avendaño-Umali January 19, 2017 - 04:28 AM

carsMagiging halos kapresyo ng isang bagong mamahaling sasakyan ang ipapataw na buwis sa mga behikulo sa oras na mapagtibay ang Tax Reform package na isinusulong ng Duterte administration.

Sa ilalim ng panukalang House Bill 4774, magiging mas mabigat na ang buwis ng mga sasakyan.

Sa bracket ng halaga ng mga sasakyan, ang nagkakahalaga ng hanggang P600,000 ay may katapat nang buwis na 2% hanggang 4%.

Ang sasakyan naman na may halagang P600,000 hanggang P1.1 million ay papatawan na ng buwis na P24,000 plus 40% ng presyo na lagpas ng P600,000.

Kung ang sasakyan naman ay P1.1 million hanggang P2.1 million, P224,000 ang buwis plus 100% ng halaga na lagpas sa P1.1 million.

Sakali naman na ang halaga ng sasakyan ay P2.1 million pataas, P1.2 million na ang buwis nito plus 200% ng halaga na lagpas sa P2.1 million.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.