Presyo ng droga mas lalo pang tumaas ayon sa PNP

By Mariel Cruz January 18, 2017 - 08:03 PM

high-grade-shabuSimula nang paigtingin ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kampanya laban sa iligal na droga, tumaas na ang presyo ng “shabu” sa bansa.

Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni Chief Supt. Albert Ferro, pinuno ng PNP Anti-Illegal Drugs Group na mula sa P2 Million ay tumaas na sa P5 Million ang presyo ng kada kilo ng shabu.

Ito aniya ay dahil sa kumokonti na ang suplay ng iligal na droga sa bansa.

Sinabi pa ni Ferro na sa kanilang isinasagawang mga buy bust operation ay kinakailangan na meron silang hindi bababa sa P5 Million na show money.

Sa kabila pinaigting na kampanya ng pamahalaan sa iligal na droga, nakatatanggap ng kritisismo ang mga PNP dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga napapatay sa mga buy bust operations.

Sa loob pa lamang ng anim na buwan simula nang maupo si Pangulong Duterte, halos umabot na sa 6,000 ang napapatay na drug personalities.

Ayon kay PNP Chief Director Gen. Ronald Dela Rosa, target ng pambansang pulisya na gawing ‘drug-free’ ang bansa bago matapos ang taong 2017.

TAGS: AIDG, drugs, duterte, PNP, AIDG, drugs, duterte, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.