Pulong ni Duterte at mga “taipans” puno ng tawanan ayon sa Malacañang
Inilarawan ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na naging masaya at magaan ang usapan sa naganap na pakikipag-pulong ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilang business leaders at taipans kagabi sa Malacañang.
Ang nasabing pulong ay inayos ni Presidential Adviser on Entrepreneurship Joe Concepcion.
Kabilang sa mga dumalo sa meeting ay sina Finance Sec. Sonny DominguezDominguez; Cong. Gloria Macapagal-Arroyo; Hans Sy; Jaime Augusto Zobel De Ayala; Manny Pangilinan; Enrique Razon; Tomas Alcantara; Erramon Aboitiz; Alfred Ty; Michael Tan; Kevin Tan; Tony Tan Caktiong; Doris Magsaysay Ho; Injap Sia; Alice Eduardo at Federico Lopez.
Sumentro ang kanilang pag-uusap sa Federalism, Contractualization, graft, job creation, inclusive growth at tax reforms.
Inabot ng tatlong oras ang pulong na natapos bago maghating-gabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.