Common station ng MRT at LRT, target matapos sa 2019

By Rohanisa Abbas January 18, 2017 - 12:05 PM

INQUIRER PHOTO
INQUIRER PHOTO

Matapos maantala nang walong taon, sisimulan na sa disyembre ang konstruksyon ng common station ng Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT).

Ito ay matapos malagdaan ang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagtatayo nito na nagkakahalagang P2.8 bilyon.

Pinangunahan ng Department of Transportation (DOTr) ang paglalagda sa naturang kasundaan sa pagitan ng Department of Public Works and Highways, SM Prime Holdings Inc., Universal LRT Corp. Ltd. ng San Miguel Corp., Light Rail Manila Corp., North Triangle Depot Commercial Corp., at Light Rail Transit Authority.

Gagawin ang common station sa pagitan ng SM North EDSA at Trinoma sa Quezon City para pagdugtungin ang MRT-3, LRT-1 at itinatayong MRT-7.

Sa Disyembre ng taong ito target masimula ang proyekto at sa April 2019 ito matatapos.

Magugunitang noong 2009 unang itinakda ang konstruksyon ng common station pero hindi nagkasundo sa inisyal na lokasyon nito.

 

 

TAGS: Common Station, MRT LRT, Common Station, MRT LRT

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.