2 congressmen kasama sa narco-list ni Duterte
Kinumpirma ni House Speaker Pantaleon Alvarez na may dalawang incumbent Congressmen na kasama sa narcolist ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Alvarez na nakuha niya ang kopya ng narcolist bago mag-Pasko.
Gayunman, tumanggi si Alvarez na pangalanan ang dalawang kongresista pero inamin niya isa sa mga ito ay taga-Mindanao at kumbinsido siya na sabit talaga ito sa operasyon ng iligal na droga.
Validated aniya ang kanyang impormasyon ukol sa mga narco-Congressmen at kahit siya ay nakakuha ng pagpapatotoo mula mismo sa kanyang sariling mga kaibigan.
Sinabi ni Alvarez na protektor ng drug syndicate ang papel ng dalawang kongresista na nasa narcolist, gaya ng mga gobernador, alkalde, judges at mga heneral na nasa listahan din ng pangulo.
Sa kabila nito ay wala pang masabi si Alvarez kung ano ang kanyang gagawin sa dalawang House members.
Hindi rin umano maaring gawing basehan ito para patalsikin ang dalawa bilang miyembro ng Mababang Kapulungan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.