NDRRMC nagpaliwanag na hindi nagkulang sa babala sa pagbaha sa CDO

By Ruel Perez January 17, 2017 - 03:27 PM

CDO flood1
Inquirer photo

Nanindigan ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na hindi sila nagkulang sa pagbibigay babala hinggil sa magiging epekto ng walang tigil na buhos ng ulan na naranasan sa ilang bahagi ng Mindanao partikular sa Cagayan De Oro City dulot ng Low Pressure Area na nag-resulta ng matinding pagbaha.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mina Marasigan, ilang araw bago pa bumuhos ang walang tigil na ulan ay nagpababa na sila ng mga babala tulad na lamang ng general flood advisory sa kanilang mga regional at local offices.

Patunay umano sa kanilang patuloy na monitoring at babala ang naging mabilis na aksyon ng mga local officials sa mga naapektuhang mga lugar

Ilan sa tinitingnan dahilan ng NDRRMC sa biglaang pagtaas ng tubig ay ang ilang araw na tuloy-tuloy na ulan mula sa kabundukan

Sa pinakahuling tala, tatlo na ang patay , tatlo ang sugatan at isa ang nawawala sa naganap na flash flood sa lungsod ng Cagayan De Oro kagabi.

Nasa mahigit naman sa tatlong libo katao ang kasalukuyan pa ring nananatili sa mga evacuation centers sa lugar.

TAGS: Cagayan De Oro, flashfloods, NDRRMC, Cagayan De Oro, flashfloods, NDRRMC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.