Pangulong Duterte, dumalaw sa burol ng sundalong nasawi sa pakikipaglaban sa Abu Sayyaf

By Jay Dones January 17, 2017 - 04:20 AM

 

Inquirer file photo

Personal na dumalaw si Pangulong Rodrigo Duterte sa burol ng sundalong nasawi sa pakikipagbakbakan sa bandidong Abu Sayyaf sa lalawigan ng Basilan kamakailan.

Pasado alas 7:00 ng gabi Lunes, dumating si Pangulong Duterte sa Libingan ng mga Bayani Mortuary sa Taguig, upang kumustahin ang mga naiwang kaanak ni Capt. Clinton Capio.

Si Capio na commanding officer ng 1st Special Forces Company ay nasawi sa pakikipaglaban ng tropa ng militar sa higit 80 miyembro ng Abu Sayyaf sa Bgy. Cabcaban, Sumisip Basilan nitong nakalipas na Huwebes.

Sa kanyang pagdalaw, personal na ipinahatid ng pangulo ang kanyang pakikiramay sa mga kaanak ng sundalo at mga mahal nito sa buhay.

Nakasama ng pangulo sina Defense Secretary Delfin Lorenzana AFP Chief of Staff Lt. Gen. Eduardo Año sa pagtungo sa burol.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.