Anak ng dating Cotabato mayor itinuturong utak sa Davao bombing
Kinumpirma ni Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa na hindi pa tiyak ang kinaroroonan ni Datu Mohammad Abduljabbar Sema na siyang itinuturong utak sa Davao City bombing noong Setyembre, 2016 na nagresulta sa kamatayan ng labing-lima katao at ikinasugat ng maraming iba pa.
Nauna na kasing lubas ang mga reports na naaresto si Sema sa Kuala Lumpur sa Malaysia nang magpunta ito doon mula sa Bangkok, Thailand.
Pero sa impormasyon ni Dela Rosa, hindi pa umano naaaresto si Sema na anak ni dating Cotabato City Muslimin Sema.
Sinasabi rin na si Sema ang nag-bigay ng sasakyan na ginamit ng mga suspek sa pagpapasabog.
Lumutang ang pangalan ni Sema na umano’y tagasuporta ng ISIS at Maute Group.
Inutusan na ni Dela Rosa ang police attache’ ng bansa na makipag-ugnayan sa kanyang Malaysian counterparts para sa mabilis na pag-aresto kay Sema.
Hindi pa naglalabas ng pahayag ang dating alkalde ng Cotabato City kaugnay sa pagkakaugnay ng kanyang 26-anyos na anak sa naganap na Davao bombing.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.