Pamahalaan, handa na sa ikatlong round ng peace talks
Ngayong araw isusumite ni chief government negotiator Silvestre Bello III kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga draft documents na tatalakayin sa ikatlong round ng peace talks ng pamahalaan sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa Rome, Italy mula January 19 hanggang 25.
Ayon pa kay Bello, all set na sila at handa nang talakayin sa NDFP ang lahat ng mahahalagang agenda, kabilang na ang supplemental agreements na kailangan para maisulong ang mapayapang pagwawakas sa armed conflict sa bansa.
Tutungo naman sa Malacañang ang mga peace panelists para sa kanilang courtesy call kay Pangulong Duterte sa gabi bago ang araw ng kanilang biyahe.
Ayon sa Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP), aalis ang government delegation patungong Rome bukas para sa opening ng peace talks sa Huwebes.
Kabilang anila sa mga dokumentong ihahain sa pangulo ay mga drafts at iba pang dokumento para sa Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms, at iba pang mga kasunduang pulitikal at constitutional reforms.
Dagdag naman ni Bello, nakahanda silang pumirma ng mga side agreements at iba pa habang pinaguusapan nila ang mga nilalaman at probisyon ng major substantive agenda.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.