QC government, hindi papayagan ang plano ng DOH na mamahagi ng condoms sa public schools
Hindi pinaboran ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang pamimigay ng condoms sa mga public school na sakop ng lungsod.
Ito ay sa kabila ng plano ng Department of Health na mamahagi ng condoms sa high school students simula sa susunod na school year.
Ayon kay Quezon City Mayor Herbert Bautista, hindi niya papayagan na maging distribution hub ng contraceptives ang mga pampublikong eskwelahan sa lungsod.
Una nang sinabi ni DOH Sec. Paulyn Jean Rosell-Ubial na pilot testing ng pamimigay ng condoms ng ahensya ay naisagawa na sa Quezon City.
Pero taliwas sa pahayag ni Ubial, itinanggi ng City Epidemiology ang Surveillance Unit na hindi naganap ang nasabing hakbang sa anumang eskwelahan sa lungsod.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.