Duterte, nagbabalang magdedeklara ng Martial Law kapag lumala ang problema sa ilegal na droga
Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na magdedeklara siya ng Martial Law kahit wala ang pagsang-ayon dito ang Korte Suprema kapag mas lumala pang problema ng ilegal na droga sa bansa.
Ang naging pahayag ni Duterte ay kasunod na Pulse Asia survey kung saan nasa 74 percent ng mga Pilipino ang di sang-ayon na ang pagpapatupad ng Martial Law ay ang sagot sa problema ng bansa.
Ayon sa pangulo magdedeklara siya ng Martial Law para pangalagaan ang kapakanan ng bansa kahit na may mga batas na pumigil dito.
Sa ilalim ng Konstitusyon ay may kakayahan na magdeklara ng Martial Law ang pangulo sa llob ng 60 araw sakaling may pananakop o rebelyon.
Kaugnay nito, maari namang bawiin ito ng Kongreso at maaring kwestiyunin ng sinumang mamamayan sa Korte Suprema.
Matatandaang nauna na dito ng sabihin ni Duterte na “useless” lang ang pagdedelara ng Martial Law kung ang pagkakaroon ng “state of lawlessness” ay sapat na.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.