Lalaking nagpaputok ng baril sa simbahan, patay sa Texas USA

By Rod Lagusad January 15, 2017 - 04:40 AM

https://www.mapsofworld.com/ file photo

Napatay ng isang pulis ang isang lalaking nagpaputok ng baril sa labas ng simbahan sa Austin, Texas, USA.

Ayon sa mga otoridad ay rumesponde sila sa ibat-ibang serye ng kaso ng naturang araw, una sa isang pagnanakaw at pangalawa sa isang away sa parking lot sa parehong lugar.

Kaugnay nito, hindi pa natapos dito ang pagresponde ng mga pulis dahil sa pangatlong pagkakataon ay nakatanggap sila ng ulat sa isang lalaking may shotgun at isang assault-style weapon.

Sinabi ni Assistant Police Chief Chris McIlvain na nasa lima hanggang sa anim na bala ng baril ang pinaputok sa ere pagkatapos ay nagtungo ito sa direksyon ng simbahan at tinuloy ang pagpapaputok.

Tumanggi ang lalaki na isuko ang gamit nitong baril na nagbunsod ng pagkakabaril sa kanya.

Hanggang sa kasalukyan ay hindi pa inilalabas ang pangalan ng nasabing lalaki.

TAGS: Texas, usa, Texas, usa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.