Bihag na PInoy at South Korean National, pinalaya na

By Erwin Aguilon January 14, 2017 - 01:00 PM

Photo courtesy: Presidential Peace Adviser Jesus Dureza
Photo courtesy: Presidential Peace Adviser Jesus Dureza

Pinalaya na ng mga miyembro ng Abu Sayyaf Group ang isang South Korean National at isang Pinoy sa Indanan, Sulu.

Ayon sa inisyal na impormasyon ng Radyo Inquirer, ibinigay ng mga tauhan ng ASG sa Moro National Liberation Front ang biktimang si Park Jul Hong at Glenn Alindajao.

Nabatid na pinalaya ang mga  biktima matapos makapagbayad ng P25M.

Personal na sinundo ni Presidential Peace Adviser Jesus Dureza ang mga pinalaya sa Jolo, Sulu at dinala sa Davao City.

Ang dalawa ay dinukot noong buwan ng Oktubre ng nakalipas na taon matapos atakihin ng nga miyembro ng ASG ang MV Dong Bang Giang kung saan ang dayuhan ang kapitan habang naglalayag sa karagatan ng Bongao, Tawi-Tawi.

TAGS: abu sayyaf group, Abu Sayyaf Group ang isang South Korean Nationa, Pinoy cew, abu sayyaf group, Abu Sayyaf Group ang isang South Korean Nationa, Pinoy cew

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.