DOE, binawi ang lisensya ng LPG firm na sumabog sa Pasig
Binawi ng Department of Energy (DOE) ang lisensya ng liquefied petroleum gas (LPG) refilling plant sa Pasig City matapos ang naganap na pagsabog sa naturang pasilidad na ikinasugat ng hindi baba sa 20 katao habang tinatayang nasa 20 milyong piso ang pinsala ng naturang insidente.
Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi kanilang binawi ang Standards Compliance Certificate (SCC) ng kumpanya dahil sa naganap sa pagsabog at hindi ito makakapag-operate hanggang sa matapos ang isinasagawang imbestigasyon ng kagawaran.
Kaugnay nito, para masiguro ang ligtas na operasyon ang mga LPG refilling plants ay inaatasan na sumunod sa pamantayan ng Philippine National Standards (PNS) at sa DOE circular patungkol sa mga LPG industry rules.
Iniisyu ang SCC kapag ang isang LPG refilling plant ay nakasunod na sa mga minimum requirements ng PNS and the DOE circular.
Habang ang ibang government agencies tulad ng Bureau of Fire Protection (BFP) at ng mga local government units (LGUs) ay may sariling mga requirements para sa mga LPG refilling companies.
Sa paunang imbestigasyon, ang naturang kompanya ay may SCC at iba pang prerequisite requirements mula sa BFP at sa Pasig government./ Rod Lagusad
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.