Biyahe ng MRT, ilang beses nagka-aberya; mga pasahero pinababa

By Dona Dominguez-Cargullo January 13, 2017 - 09:21 AM

(UPDATE) Nakaranas muli ng aberya ang biyahe ng Metro Rail Transit ngayong Biyernes ng umaga.

Sa abiso ng MRT sa kanilang twitter account, alas 7:29 ng umaga nang pababain ang mga pasahero sa bahagi ng Shaw Boulevard station southbound.

Ito ay matapos na makaranas umano ng technical problem ang isa nilang tren.

Ang mga apektadong pasahero ay pinasakay na lamang sa kasunod na tren.

Samantala, alas 8:25 ng umaga muling nakaranas ng aberya ang biyahe ng MRT at pinababa ang mga pasahero sa Ayala station Sourthbound.

Technical problem lang din ang idinahilan ng pamunuan ng MRT sa naranasang aberya ng isa nitong tren.

Alas 12:23 naman ng tanghali nang muling magpababa ng mga pasahero sa isang tren ng MRT sa bahagi ng Santolan station northbound dahil din sa technical problem.

Kagabi, sa kasagsagan ng rush hour pasado alas 7:00 ng gabi ay nagka-aberya din ang isang tren ng MRT sa northbound ng Guadalupe station at pinababa din ang mga pasahero.

 

 

TAGS: dotr, Guadalupe Station, MRT, dotr, Guadalupe Station, MRT

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.