Bayan ng General Luna, Surigao Del Norte, niyanig ng dalawang magkasunod na lindol
Dalawang magkasunod na lindol ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa bayan ng General Luna sa Surigao Del Norte ngayong umaga.
Unang naitala ng Phivolcs ang magnitude 3.5 na lindol ang bayan ng General Luna, alas 3:39 ng umaga.
Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 7 kilometers.
Unang iniulat ng Phivolcs na 4.0 ang magnitude ng nasabing lindol pero kalaunan ibinaba ito sa 3.5.
Makalipas ang ilang minuto, agad nasundan ang unang pagyanig.
Alas 4:14 ng umaga nang makapagtala muli ng magnitude 3.4 na lindol ang Phivolcs sa nasabing bayan.
May lalim na 17 kilometers ang ikalawang pagyanig at tectonic din ang origin.
Samantala, alas 5:33 naman ng umaga nang maitala naman ang magnitude 4.0 na lindol sa Don Marcelino, Davao Occidental.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang lindol sa 85 kilometers East ng bayan ng Don Marcelino at may lalim itong 63 kilometers.
Sa inilabas namang update ng Phivolcs, ibinaba sa 3.9 ag magnitude ng nasabing lindol sa Don Marcelino.
Wala pa namang napaulat na intensities ang Phivolcs sa magkakasunod na lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.