China, dapat pigilang makalapit sa mga islang kinamkam nito ayon sa State Secretary ni Trump

January 13, 2017 - 04:10 AM

 

Trump-Secretary-of-St_Inte-1024x683 tillersonHindi pa man opisyal na nauupo sa pwesto, kontrobersyal na ang naging pahayag ng nominee ni US President-elect Donald Trump upang maging kanyang Secretary of State.

Sa kanyang confirmation hearing sa harap ng US Senate foreign relations committee , sinabi ni Rex Tillerson na dapat ay hindi pinapayagan ang China na makapuwesto sa mga isla na kanilang itinaguyod sa South China Sea.

Ikinumpara pa ni Tillerson, ang pagtatayo ng China ng mga artificial islands at paglalagay ng mga military assets sa naturang rehiyon sa pagkubkob ng Russia sa Crimea na hawak ng Ukraine.

Paliwanag pa nito, dapat na magpahatid ng konkretong mensahe ang Amerika sa China na dapat na nitong itigil ang pagtatayo ng mga isla sa pinag-aagawang teritoryo at pigilan na itong makalapit pa sa mga islang naitayo na.

Si Tillerson ay dating chairman at chief executive ExxonMobilCorp.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.