Mga kinakasuhang pulis na nasasangkot sa mga kuwestyunableng anti-drug ops, tumaas

By Ruel Perez January 13, 2017 - 04:18 AM

 

Manila drugDumarami umano ang bilang ng mga pulis na kabilang sa mga anti-illegal drugs operations ang nagpapasaklolo sa PNP Legal Service.

Ayon kay Supt. Atty. Lynette Tadeo, Chief ng Legal Research & Evaluation Division ng PNP Legal Service, may 10 pulis na may ranggong PO1 hanggang SPO4 ang humihingi ng ayudang legal sa kanila.

Ito ay mula July ng nakalipas na taon nang simulan ang war on illegal drugs ng Duterte administration, hanggang December, 2016

Ayon kay Tadeo, walo sa mga ito ay nahaharap sa kasong kriminal at dalawa ay may kasong administratibo.

Lahat umano sa mga nakasuhan ay kasama sa mga anti-illegal drugs operations.

Kinasuhan ang mga ito aniya ng mga drug suspects na kanilang inaresto.

Karamihan sa kanila ay mula sa mga Regional Police Offices partikular na sa Region 2 o Cagayan Valley at Region 7 o Central Visayas

Paliwanag ni Tadeo, malaki umano ang bilang na ito kumpara sa mga nakalipas na taon, na walang intensified campaign laban sa illegal na droga.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.