Paghuhukay sa nadiskubreng mga kalansay sa Quiapo, Maynila itinuloy ng PNP

By Erwin Aguilon January 12, 2017 - 12:51 PM

Kuha ni Louie Ligon
Kuha ni Louie Ligon

Nagpapatuloy ang ginagawang paghuhukay ng mga tauhan ng PNP Crime Laboratory sa mga nadiskubreng kalansay dito sa Islamic Center sa Quiapo, Maynila.

Nahihirapan ang mga awtoridad sa pagkuha sa mga kalansay na ibinaon sa unang palapag ng bahay dahil sa napakasikip na lugar.

Sinabi ni PSI Fernildo De Castro, hepe ng homicide section ng Manila Police District, posibleng aabot na sa sampung kalansay ang nakalibing sa lugar.

Bukod aniya sa mga nadiskubre kahapon, marami pang bangkay ang nakabaon sa lugar.

Sa ngayon, tatlong kalansay na isinilid sa sako ang nailabas na ng mga awtoridad mula sa hinukuhay na mass grave

Sinasabing ang kapatid ng napaslang na si dating barangay chairman faiz macabato na si Shariff ang nakatira sa lugar.

Ayon naman kay Barangay Chairman Sultan Yusof Guinto, base sa kanyang nakalap na impormasyon lungga ng mga dating tulak ng droga ang nasabing bahay.

Hindi na anya nakakalabas ang mga pumapasok dito na may pagkaka utang sa droga at ilan pang may pera na bago sa lugar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.