Mga Pinoy mas nagtitiwala sa US at Japan ayon sa Pulse Asia Survey
Marami sa mga Filipino ang mas magtitiwala sa United States at Japan, ayon sa bagong survey na inilabas ng Pulse Asia.
Ito ay kahit pa kumalas na si Pangulong Rodrigo Duterte sa US at nakipag-alyansa na sa China at Russia.
Batay sa survey, nakakuha ng 76 precent trust rating ang Japan habang 70 percent naman ang US.
Pero kung pinagkakatiwalaan ng karamihan ang nabanggit na dalawang bansa, lumabas naman sa survey na mahigit sa kalahati ng mga Filipino ang hindi nagtitiwala sa China at Russia.
Nakakuha ng 61 percent distrust rating ang China habang 58 percent naman ang Russia at 55 percent ang Great Britain.
Habang ang US at nakakuha lamang ng 23 percent distrust rating at 29 percent naman ang Japan.
Isinagawa ng survey noong December 6 hanggang 11 sa 1,200 na respondents.
Sa kabila ng mga natatanggap na kritisismo na pang-aabuso sa karapatang pantao ng kanyang administrasyon, gumawa na ng hakbang si Pangulong Rodrigo Duterte para makipag-alyansa sa China at Russia.
Sa katunayan, napaulat pa na sa nakatakdang pagbisita ni Duterte sa Moscow sa Abril, bibili ito ng mga armas tulad ng baril sa Russia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.