AFP, may sinisilip na dalawang anggulo sa masaker sa Zamboanga

By Ruel Perez January 12, 2017 - 11:36 AM

Zambo1Dalawang anggulo na posibleng motibo kaugnay sa nangyaring pagpatay sa walong mangingisda sa Zamboanga City ang kinukunsidera ng Armed Forces of the Philippines.

Ayon kay Task Force Zamboanga Commander Col. Juvy Max Uy, maaring ang masaker ay dulot ng paghihiganti at ang isa naman ay simpleng extortion.

Paliwanag ni Uy, napatay ang leader ng isang lawless element noong buwan ng Nobyembre noong nakaraang taon sa isang military operation.

Pinaghihinalaan umano ng mga kaanak ng napatay na lawless leader ang mga kristiyanong mangingisda na nagbibigay impormasyon sa militar.

Sa anggulong extortion naman, aminado ang opisyal na marami talagang lawless elements na nag-ooperate sa nasabing lugar.

Giit nito na consistent ang report na kanilang nakukuha kaugnay sa operasyon ng mga lawless elements na nag ooperate sa may bahagi ng Moro gulf kung saan nangingikil ang mga ito sa mga mangingisda.

Tinukoy ni Uy ang isang Abu Ariff na siyang notortious extortionist na nag ooperate sa nasabing lugar at umano’y target ngayon ng kanilang military manhunt operations.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.