LPA na binabantayan ng PAGASA, malabong maging bagyo
Sa ngayon ay malabo pang maging ganap na bagyo ang minomonitor na low pressure area (LPA) sa silangang bahagi ng Mindanao.
Ayon sa PAGASA, malakas ang vertical wind shear o hangin na posibleng humarang sa papalapit na LPA.
Huling namataan ang LPA sa layong 795 kilometer silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Sa pagtaya ng PAGASA, malabo itong maging bagyo sa susunod na bente kuwatro oras.
Samantala, posible pa ring magkaroon ng paminsan-minsang buhos ng ulan sa malaking bahagi ng Luzon dahil sa hanging amihan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.