Palasyo, handa na sa pagdating ng Prime Minister ng Japan sa bansa

By Len Montaño January 12, 2017 - 11:33 AM

Abe DuterteAll set na ang Malacanañg sa pagbisita ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe at maybahay nitong si Madame Akie Abe para sa official visit sa Pilipinas simula ngayong araw.

Nakatakdang dumating ang delegasyon ni Abe dakong 1:55 ng hapon.

Didiretso sila sa Palasyo para sa welcome ceremony na pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa hapon ay dadalo si Abe sa ASEAN Summit meeting, signing of agreements, joint press statements, expanded meeting sa pagitan ng Japan at Philippine business delegates at state banquet na handog ni Duterte.

Mamayang alas otso ng gabi ay biyaheng Davao City naman ang Japanese prime minister.

Bukas naman ay maghapon ang event ni Abe sa Davao City at babalik ito sa Tokyo sa hatinggabi.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.