Pilipinas, bubuo ng mga bagong alyansa sa ibang bansa; mga dating kaalyado pananatilihin
Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na bubuo pa ang pamahalaan ng mga magagandang alyansa sa ibang bansa, habang patuloy namang palalakasin ang mga umiiral nang relasyon sa mga dati nang kaalyado ng Pilipinas.
Sinabi ito ng pangulo sa harap ng mag miyembro ng Gabinete, mambabatas at iba pang mga bisita sa Vin d’Honneur sa Malacañang kahapon.
Sa talumpati ni Duterte, sinabi niyang pinahahalagahan ng pamahalaan ang mga kasalukuyang kaalyado ng bansa at palalakasin pa nila ang magandang relasyon ng Pilipinas sa mga ito.
Kasabay aniya nito, ay hahanap rin ang Pilipinas ng iba pang mga bansa na maaring maging bagong kaibigan.
Ani pa Pangulong Duterte, naniniwala siyang nagtutulungan ang mga kaibigan sa pagkakaroon ng “constructive engagement” upang makamit ang mga common goals.
Kaisa aniya ang Pilipinas sa paghahangad ng “greater peace, progress and prosperity.”
Patuloy aniyang bubuo ang Pilipinas ng pagkakaibigan na ang pundasyon ay pawang “common objective, shared values and time honored principles of international law.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.