Pagtutol ng mga Pinoy sa martial law tama lang ayon kay Duterte
Pabor si Pangulong Rodrigo Duterte sa lumabas na resulta sa survey ng Pulse Asia kung saan marami sa mga pinoy ang tutol sa pagpapatupad ng Martial Law.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, mismong si Pangulong Duterte ang nagsabi na hindi napabuti ang buhay ng mga pinoy noong nagdeklara ng Martial Law si dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Binanggit din aniya ng pangulo na isa sa dahilan kung bakit hindi siya magdedeklara ng martial law ngayon ay dahil sa kahirapan na naranasan ng mga Filipino sa ilalim ng administrasyong Marcos.
Sa nasabing survey na isinagawa noong Deceber 6 hanggang 11, lumabas na 74 percent ng mga Filipino ang naniniwala na hindi na kailangan ipatupad ng martial law sa bansa.
Umaabot naman sa12 percent ang pumabor habang 14 percent naman ang undecided.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.