Mga kilos-protesta itatapat ng Gabriela sa Miss Universe pageant

By Isa Avendaño-Umali January 11, 2017 - 07:36 PM

Miss Universe
Inquirer file photo

Mariing kinukundena ng Gabriela Partylist ang pagho-host dito sa Pilipinas ng Miss Universe 2016.

Ayon kina Congresswomen Arlene Brosas at Emmie De Jesus, magkakaroon sila katuwang ang grupo ng mga kababaihan ng serye ng protesta laban sa pagdaraos ng beauty pageant sa ating bansa.

Paniwala ng lady solons, ang Miss Universe pageant ay isang paraan ng panloloko upang maipakita sa buong mundo ang imaheng ‘peace and stability’ pero ang totoo ay pinagtatakpan ang paghihirap ng mga kababaihan, maging ang kaliwa’t kanang extra judicial killings sa Pilipinas.

Sinabi pa nina Brozas at de Jesus na mistulang na-e-exploit ang mga kababaihan sa naturang patimpalak at iba pang kahalintulad na festivals.

Dagdag nila, ang Miss Universe ay isang magastos na exercise para bigyan ang publiko at international community ng isang ‘false sense of wellbeing and celebration’ habang pinaiiral ang hindi patas na trade relations.

Tila raw kasi pinapayagan ang mga mayayamang bansa na gahasain ang natural resources ng mga bansa na kinakatawan ng mga kandidata.

Higit sa lahat, mistulang pagtatangka rin daw ang Miss Universe na ibenta ang Pilipinas bilang tourist destination para sa mura at madaling abusuhin ang mga babae.

Sa halip anila na mag-focus sa naturang event, sinabi ng Gabriela Partylist na tutukan na lamang ng gobyerno ang problema sa kakulangan sa trabaho, pagtaas ng singil sa langis, kuryente at mga kaso ng summary killings.

TAGS: gabriela, miss universe, partylist, gabriela, miss universe, partylist

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.