Hinihinalang dynamite time bomb, nagdulot ng tensyon malapit sa Camp Crame sa QC
Isang hinihinalang bomba ang natagpuan sa Barangay Bagong Lipunan ng Crame sa Quezon City na nagdulot ng tensyon sa mga residente.
Isang basurero umano ang nakatagpo ng hinihinalang bomba na ang itsura ay dinamita na mayroong mga wire at mayroon pang timer.
Sa kwento ni Ginang Felina Sicam, residente sa lugar, nakita ang hinihinalang bomba sa trak ng basura, at isang basurero ang dumampot nito at sakay itinapon malapit sa isang nakaparadang motorsiklo sa 4th Avenue.
Nakita pa mga residente na nag-i-spark ang bomba kaya nag-panic sila at nagtakbuhan papalayo.
Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Explosive and Ordnance Division (EOD) sa nasabing insidente at saka sinecure ang bomba.
Ayon kay PNP-EOD Supt. Edwin Ellazar, sadya iyong ginawa para magmukhang tunay na bomba pero hindi umano iyon sumasabog at nakakapaminsala.
Ang natagpuang hinihinalang bomba ay kahalintulad umano ng mga ginagamit sa lecture o training ng EOD kaya hindi ito sasabog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.