Klase sa lalawigan ng Albay, suspendido dahil sa sama ng panahon
Sinuspinde na ang klase mula pre-school hanggang high school sa lalawigan ng Albay dahil sa nararanasang patuloy na pag-ulan.
Ayon kay Albay Gov. Al Francis Bichara, sakop ng suspensyon ang mga pampubliko at pribadong paaralan sa lalawigan.
Ilang araw nang bumubuhos ang ulan sa mga bayan sa Albay dahil sa Low Pressure Area (LPA) na dating bagyong Auring.
Ayon kay Cedric Daep, pinuno ng Albay Public Safety and Emergency Management Office, maaring magulot ng flashfloods at landslides ang nararanasang patuloy na pag-ulan.
Sa abiso ng PAGASA, kabilang ang rehiyon ng Albay sa makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na ulan ngayong araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.