13 ang kritikal ang kondisyon sa sumabog na LPG refilling station sa Pasig
Sugatan ang aabot sa dalawampu’t anim na katao matapos sumabog at masunog ang storage at LPG refilling station ng kumpanyang Regasco.
Sa datos na inilabas ng Pasig City Public Information Office, sa dalawampu’t anim na nasugatan, labingtatlo ang kritikal ang kondisyon.
Ang mga biktima ay pawang isinugod sa Rizal Medical Center (RMC), Pasig City General Hospital (PCGH) at Mandaluyong Medical Center.
Damay sa nasabing pagsabog ang kalapit na gasoline station ng kumpanyang Flying V.
Sa pagsasalarawan ng mga residente napakalakas ng pagsabog na nadinig at naramdaman ang pagyanig kahit ng mga nasa malayong lugar.
Naganap ang malakas na pagsabog pasado ala una ng madaling araw sa Sandoval Avenue sa Barangay San Miguel.
Umabot sa 5th alarm ang sunog bago maideklarang fire out alas 3:10 ng madaling araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.