LPA na dating Auring, lalabas na ng bansa, pero bagong LPA namataan ng PAGASA sa Mindanao

By Dona Dominguez-Cargullo January 11, 2017 - 06:36 AM

Nakatakdang lumabas na ng bansa ang Low Pressure Area (LPA) na dating bagyong Auring sa susunod na 24 na oras.

Ang nasabing LPA ay huling namataan ng PAGASA sa 165 kilometers south ng Puerto Princesa City

Pero ayon kay PAGASA forecaster Benison Estareja, isang bagong LPA ang namonitor nila na nasa labas pa ng bansa.

Ang nasabing LPA ay nasa layong 1,240 kilometers east ng Mindanao at maaring pumasok sa bansa bukas ng tanghali.

Sa ngayon maliit pa naman ang tsansa na maging isang ganap na bagyo ang bagong LPA.

Sa pagtaya ng panahon para sa araw na ito, sinabi ng PAGASA na ang Bicol, Eastern Visayas at mga lalawigan ng Aurora, Quezon at Palawan ay makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan na maaring magdulot ng flashfloods at landslides.

Mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan naman ang mararanasan sa CARAGA, nalalabing bahagi ng MIMAROPA at sa Visayas.

Habang mahinang pag-ulan ang iiral sa Metro Manila, Cagayan Valley at nalalabing bahagi ng Central Luzon at CALABARZON.

 

TAGS: AUring, LPA, Pagasa, weather in PH, AUring, LPA, Pagasa, weather in PH

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.