‘Rido’ sinisilip na motibo sa likod ng masaker sa 8 mangingisda sa Zamboanga

January 11, 2017 - 04:32 AM

 

PCG photo

Sinisilip ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang posibilidad na ‘rido’o away ng mga magkakamag-anak ang naganap na pamamaril at pagkamatay ng 8 katao sa karagatang sakop ng Laud, Siromon, Brgy. Dita, Zamboanga City, gabi ng Enero a-9.

Ayon kay AFP Spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla, sa impormasyon nakuha ng AFP, awayan umano ng mga pamilya na pawang mangingisda naninirahan sa baybayin ng Bgy. Dita at Curuan ang posibleng dahilan ng krimen.

Pinagbabaril ng 5 armadong lalaki ang 15 crew sakay ng fishing boat na NR na kaagad ikinamatay ng 8 habang nakaligtas naman ang iba pa na kaagad nakatalon mula sa banca

Ayon pa kay Padilla, iniimbestigahan na rin nang PNP at ng supporting units ng AFP mula sa Wesmincom ang pangyayari.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.