Bonus ng mga opisyal at empleyado ng GOCC, babawasan ng pamahalaan
Target ng administrasyon na bawasan na ang mga tinatanggap na bonus ng mga opisyal at empleyado ng mga Government-Owned and Controlled Corporation (GOCC).
Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia, natalakay ang usapin tungkol dito sa kanilang unang Cabinet meeting ngayong taon.
Paliwanag ni Pernia, binabayaran ng buwanang honoraria ang mga opisyal kada pagpupulong, na dalawang beses ginagawa sa isang buwan.
Aniya pa, sa kaniyang pagkakaalam ay umaabot sa P40,000 ang honorarium kada meeting, bilang insentibo para mas dalasan ng mga board members ang meetings.
Dapat aniya ay isang beses na lamang kada quarter nagpupulong ang mga opisyal ng GOCCs, tulad ng normal frequency ng mga board meetings.
Itinuturing aniya na parang pribadong sektor ang mga GOCCs para sila ay maging competitive, pero dapat aniyang limitahan na ang kanilang mga bonus.
Dagdag pa ni Pernia, dapat gawin na ring performanced-based ang bonus na matatanggap hindi lang ng mga opisyal kundi pati ng mga regular na empleyado ng GOCCs.
Inaasahan aniya na iaanunsyo ni Pangulong Duterte ang mga gagawing pagbabago sa GOCC sector sa mga susunod na araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.