Mga pulis bawal ang selfie sa mga Miss Universe candidates

By Mariel Cruz January 10, 2017 - 08:19 PM

pnp
Inquirer file photo

Pinagbawalan ang mga pulis na itatalaga sa Miss Universe 2016 na makipag-selfie sa mga kandidata.

Ayon kay Senior Supt. Emmanuel Licup, miyembro ng Philippine National Police Security Task Group para sa beauty pageant, prayoridad nila ang kaligtasan ng mga kandidata.

Aabot sa 1,300 na pulis ang ipapakalat sa Metro Manila para magbigay ng seguridad sa mga kandidata, jurors, performers, organizers ng Miss Universe 2016.

Sinabi rin ni Licup na hindi pinayagan ng mga organizer ng beauty pageant ang mga kandidata na mag-book ng kanilang sariling aktibidad habang nasa bansa.

Magiging istrikto aniya ang mga organizers sa magiging galaw ng mga kandidata pero bibigyan naman sila ng pagkakataon na makapasyal.

Kasabay nito, binanggit din ni Licup na sa ngayon ay wala pa sa kanilang plano ang pagpapatupad ng signal jamming sa mismong araw ng coronation night.

TAGS: dot, miss universe, PNP, dot, miss universe, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.