PNP: Walang banta ng terorismo sa Miss Universe pageant

By Ruel Perez January 10, 2017 - 03:37 PM

Licup
Photo: Ruel Perez

Aminado ang Philippine National Police (PNP) na maaring samantalahin ng mga teroristang grupo ang pagkakataon sa nalalapit na Miss Universe pageantr upang ipakita ang kanilang lakas sa buong mundo.

Sa isinagawang press briefing sa Camp Crame, sinabi ni S/Supt. Emmanuel Licup ng PNP Security Task Force ng Miss Universe pageant na may posibilidad na gumawa ng hindi maganda ang mga teroristang grupo dahil nakatutok ang buong mundo sa Pilipinas sa nasabing event.

Pero pagtitiyak ni Licup, walang derektang banta ang Pilipinas laban sa mga teroristang grupo.

Maliban dito, sisiguruhin ng PNP na hindi makakaporma ang mga masasamang loob at walang mangyayaring masama sa Miss Universe candidates na ikakasira ng imahe ng bansa.

Ito na rin aniya ang pagkakataon ayon kay Licup na mapatunayan ng hanay ng pulisya na maganda ang peace and order sa bansa.

TAGS: miss universe, PNP, terror threat, miss universe, PNP, terror threat

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.