Net satisfaction rating ng Duterte administration, bumaba ng 5 puntos, pero nanatiling ‘very good’
Bumaba nang limang puntos ang net satisfaction rating sa administrasyong Duterte sa huling bahagi ng 2016 batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS).
Mula sa +66 noong third quarter ng 2016, nasa +61 na lamang ito noong fourth quarter ng parehong taon.
Sa kabila nito, nanatiling ‘very good’ ang satisfaction rating sa administrasyong Duterte.
73% ng mga Pilipino ang nagsabing sila ay nasiyahan sa performance ng administrasyon, habang 12% naman ang hindi nasiyahan.
Nasa 15% naman ang nagsabing sila ay undecided.
Isinagawa ng SWS ang naturang survey sa 1,500 adults sa iba’t ibang bahagi ng bansa mula December 3 hanggang 6, 2016.
Kabilang sa mga binigyan ng grading ‘very good’ ng mga respondent ay ang performance ng gobyerno sa sumusunod na aspeto:
helping the poor (+66)
promoting human rights (+56)
defending the Philippines territorial rights (+54)
providing jobs (+51)
fighting crimes (+50)
developing science and technology (+50)
Habang ‘good’ naman ang ibinigay na grado sa pamahalaan sa mga aspeto ng:
ensuring an efficient transportation system (+48)
foreign relations (+46)
eradicating graft and corruption (+45)
fighting terrorism (+41)
addressing extrajudicial killings (+40)
ensuring that no family will ever be hungry (+34)
reconciliation with Muslim rebels (+33)
reconciliation with communist rebels (+30)
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.