Presyo ng diesel at kerosene, bahagyang tumaas

By Kabie Aenlle January 10, 2017 - 04:29 AM

 

Kuha ni Louie Ligon
Kuha ni Louie Ligon

Magpapatupad ngayong araw ng P0.10 hanggang P0.15 na pagtaas sa presyo ng kada litro ng diesel at kerosene ang mga kumpanya ng langis.

Epektibo alas-6:00 ng umaga ngayong araw, magtataas ng P0.10 ang halaga ng kada litro ng diesel ang Total, Unioil, Eastern Petroleum, SeaOil, Shell at PTT.

Nauna namang magpatupad ng dagdag presyo sa diesel ang Petron at Flying V kaninang hatinggabi.

Samantala, magtataas naman ng P0.15 sa halaga ng kada litro ng kerosene ang Petron, SeaOil, Flying V at Shell.

Ito na ang ikalawang beses na nagtaas ang presyo ng produktong petrolyo sa pagpasok ng taong 2017.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.