PNP, walang naitalang krimen sa Traslacion

By Kabie Aenlle, Mariel Cruz January 10, 2017 - 04:37 AM

 

Nazarene5Sa pagtatapos ng Traslacion ng Itim na Nazareno na tumagal na ng mahigit dalawampung oras, wala pa rin naitatalang krimen ang pulisya.

Ito ay sa kabila pa ng posibleng banta ng terorismo sa nasabing aktibidad.

Ayon kay Plaza Miranda Police Station Commander John Guiagui, sa ngayon ay generally peaceful ang naging prusisyon.

Maging kahit anong uri ng ‘untoward incident’ o anumang direktang banta na magugulo ang prusisyon ay walang naitala ang pulisya.

Sinabi din ni Guiagui na naging mapagmatiyag ang mga deboto kung kaya noong may nakitang inabandonang bag sa harapan ng Sta. Cruz Church ay agad nila itong ipinaalam sa mga pulis.

Pero nang suriin ang naturang bag, wala naman bomba o improvised explosive device na nakapaloob dito.

Samantala, ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) director C/Supt. Oscar Albayalde, pumalo na sa 2.5 million ang kanilang crowd estimate sa mga nakilahok sa Traslacion ngayong taon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.