Lenileaks issue, target na pahinain ang loob ni VP Robredo-Lagman
Inalmahan ni Albay Rep. Edcel Lagman ang pagsasapubliko ng pribadong email conversation na tinatawag ngayong LeniLeaks.
Aniya, hindi tama ang paglalabas ng email conversation lalo’t inilabas lamang ang LeniLeaks dahil sa suspetsang may nilulutong pagpapatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Iginiit ni Lagman na hindi galing kay Vice President Leni Robredo ang mga kontrobersyal na emails, at lalong walang paraan para mai-ugnay siya rito.
Pero hinala ng mambabatas, layon ng isyu na pahinain ang loob ni Robredo.
Paalala naman ng mambabatas, ang email ay bahagi ng kalayaan sa paghahayag o freedom o expression, na nasa ilalim ng Konstitusyon.
Bagama’t may ilang parte ng email conversation na nagsusulong na pagpapabitiw kay Presidente Duterte, sinabi ni Lagman na maaaring naglabas lamang ng honest opinions ang nasa usapan ukol sa mga nakalipas na desisyon ng punong ehekutibo.
Kabilang na rito ang Marcos burial sa Libingan ng mga Bayani at kabiguang tapusin ang problema sa ilegal na droga, alinsunod sa naunang taning ng Pangulo na anim na buwan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.